Tue, 02 Mar 2021

Tagalog News: Enero 23, special non-working day sa Bulacan

Philippine Information Agency
20 Jan 2021, 23:38 GMT+10

LUNGSOD NG MALOLOS, Enero 20 (PIA) -- Ideneklarang isang special non-working day ang Enero 23, araw ng Sabado, sa Bulacan bilang paggunita sa anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na naganap sa simbahan ng Barasoain.

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1077 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ideneklara ang nasabing araw upang bigyan ang mga Bulakenyo ng oportunidad na ipagdiwang at makiisa sa okasyon habang sinusunod pa rin ang pag-iingat tulad ng social distancing at iba pang health measures laban sa COVID-19.

Dahil limitado pa rin ang pagsasagawa ng malakihang pagtitipon dulot ng mga patakaran ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, magiging simple lamang ang isasagawang pagdiriwang.

Pagtataas ng watawat ng Pilipinas, panunumpa at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo ang gaganapin lamang sa patio ng simbahan ng Barasoain kasama ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Sentro ng tema ngayong taon ang "Unang Republika Filipina: Batayan ng mga Mithiin para sa Bansa."

Ang Unang Republika ng Pilipinas ay napasinaya noong Enero 23, 1899 matapos ratipikahan ng Kongreso ng Malolos ang Saligang Batas ng 1899. (CLJD/VFC-PIA 3)

More Brazil News

Access More

Sign up for Rio de Janeiro News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!